Huwebes, Mayo 14, 2015

Isang Mangingisda

Ang buhay ng mangingisda

Dito ako natuto mamuhay mag isa
ngkaroon ng pamilya gamit ang panguryente at pana na 
aking namana sa aking yumaong ama
Muli akong napunta sa bundok na kay ganda kasama ang aking pamilya
dito kami'y masaya namumuhay ng masagana
Kalderong mauling bigas na laon,Gulok at pana ang tangi naming dala
Dahil dito ang ligaya at buhay na kayganda
Pangingisda sa ilog ay isang masaya 
takbuhan ng mga anak nag uunahan pa
makuha lamang ang nahuling isda.


 Batong madulas at susong matatalim
di iniinda mabuhay lamang ang aking pamilya
Pangarap na buhay ay hindi ko napadama
Sanay pag mulat ko'y hindi ito totoo
dahil sa isang panaginip ako'y natuto
mamuhay mag isa at dumama ng kahirapan,

Nakakatawa

Ako'y isang bata 
Panay katangahan lamang ang ginagawa
mahirap maging bata lalo na at maging matanda...


Inutusan lamang ako ng aking magulang na bumili sa tindahan
ng pagkaen na aming miryenda 
Ako ay nagmadaling pumunta sa tindahan
at ako'y nadapa
nag tawanan ang iba dahil sa nangyayare
Sabay tawa din ako
Hahahaha mga 4 na tawa
Di nyo ba alam my sayaw kame yan ang simula
Proud ako na naperfect ko na



On the Way!!!

Parabang nasa langit na di mo malaman
parang hangin na kay sarap singhutin
Habang naglalakbay patungong pinagusapan
Ako'y napa isip 
Ang sarap mamuhay sa ganitong lugar
na para bang ibon malaya kong lumipad
Simo'y ng hangin ay kay sarap mga puno't halaman ay nag sasayawan
habang umaahon sa kabundukan kami"y nag tutulak
dahil ang mga daan ay kasin tarik ng mga pitak.

Masaganang buhay dito matatagpuan mga kakahuyang masagana sa bunga
prutas at gulay dito'y nakatanim
pag baba ng bundok dito matatagpuan ang ilog na kay ganda
Hagdan patungong krus ika'y pahihirapan
pero pag dating sa dulo ika'y masisiyahan
Ang 1000 step na iyong dinaanan mapapawing pagod dito matatagpuan