Ang buhay ng mangingisda
Dito ako natuto mamuhay mag isa
ngkaroon ng pamilya gamit ang panguryente at pana na
aking namana sa aking yumaong ama
Muli akong napunta sa bundok na kay ganda kasama ang aking pamilya
dito kami'y masaya namumuhay ng masagana
Kalderong mauling bigas na laon,Gulok at pana ang tangi naming dala
Dahil dito ang ligaya at buhay na kayganda
Pangingisda sa ilog ay isang masaya
takbuhan ng mga anak nag uunahan pa
makuha lamang ang nahuling isda.
Batong madulas at susong matatalim
di iniinda mabuhay lamang ang aking pamilya
Pangarap na buhay ay hindi ko napadama
Sanay pag mulat ko'y hindi ito totoo
dahil sa isang panaginip ako'y natuto
mamuhay mag isa at dumama ng kahirapan,

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento